“Let’s not worry about the end of this story, okay? Endings usually suck. Let’s just enjoy the middle, the journey together.” -Emma Swan

When your favorite character in a TV series you love helps you deal your issues about separation, loss and other ephemeral stuff in life 😭

Advertisements

Hold on, Panday

wp-image-759067303jpg.jpg

If it’s a bad dream, I will wake you up

If it’s a fear, let me help you drop it off

Because seeing you shiver shakes everything inside me

Witnessing a teardrop leaving your eyes breaks me

Hold my hand if the tremors won’t stop

You can press my thumb

for you to feel the strength that I want you to have

Even if you’re having trouble sleeping

You don’t need to worry, Tatay

I’ll be here beside you

Waiting for the sunrise

 

To: BRO

For being my strength, my savior, my healer, and loving friend, Thank You! Countless times I have let You down and yet You make me feel loved. Your love keeps me going. Your goodness makes me hold on to this faith I have in my core. And through everything that has happened, I would like You to know that it’s all worth it. YOU are worth the faith.

Happy birthday, Lord. ❤

P*^@#&+$@

Hindi naman talaga ako nagmumura.

Pero noong sinabi nung nurse na kailangan akong turukan ng anti-rabies, 750 pesos isa, 4 times…

Napaimik na lang ako paglabas ko ng health center ng…

 

TANG-INA MY LAYP.

Bakit kasi kailangang magkaganito? Bakit ngayon pa kung kailan namomroblema ang ate ko sa trabaho? Bakit ngayon pa kung kailan kailangang magloan para sa bahay? Bakit ngayon pa ako naging pabigat? Bakit ngayon pa ako kailangang makagat ng aso? BAKIT KAILANGAN KONG MAKAGAT NG ASO? Sana pala hindi na lang ako naging mabuting groupmate para hindi ako ang actual na nagtrain sa aso. Eh di sana, nasa plano pa rin ako ngayon ng mga dapat kong gawin? Eh di sana di ako nagguilty sa magulang at mga kapatid ko? Eh di sana hindi ko sila napag-aalala? Ugh.

 

Pag ginagago ka nga naman ng yunibers.

Midnight Confessions

  1. Re-watching The Fault In Our Stars at 2AM and getting drunk on my own tears.
  2. Today, masakit mang isipin pero… I think alam ko na ‘yung “Lord-sana-tinuluyan-mo-na-lang-ako” feeling 😥  (11-25-15)
  3. Yes. Bothered ako kung bakit. Pero in a good way. 🙂
  4. Nasasaktan kahit hindi naman dapat. Nalulungkot kahit hindi naman kailangan.
  5. Kailangan ko na namang kalimutan ‘yon lahat para hindi ko “mamisinterpret”.
  6. Sana dumating ‘yung araw na hindi ko na kailangan tumakas mula sa sarili kong feelings.
  7. Nasaktan lang talaga siguro ako noong binaliwala mo ako.

Dalawang Taon Mong Pagkakahimlay

sapat na, Kaibigan
ang minsan tayo’y naglakbay
magkasabay
magka-akbay
habang sabay nating pinupuno
ng kulay ang buhay

paglisan man ay may katumbas na sakit
paglaho man ay may kaakibat na pait
hindi ko pa rin ipagpapalit
o pagsisisihan kahit saglit
ang araw na ika’y nakilala
nakakwentuhan at nakatawanan
dahil tulad ng isang awit,
ikaw ay palagi nang nakaukit
sa alaala ng puso kong
bagama’t may lamat
ay pinipili pa ring tumibok
tumibok hanggang sa mapagod
ngunit ‘di iindahin ang pagod na ito
dahil sapat na, Kaibigan
ang mga nilalang na tulad mo
para madama kong
ang buhay na ibinahagi ko sa iba
ay s’yang magbibigay saya
na s’yang babaunin ko naman
sa takdang oras na
papayagan na ako ng langit
na makasalubong ka at mayakap ulit

alam kong sabik na sabik
na tayo sa kwento ng isa’t isa
pero ‘wag kang mag-alala
dahil sapat na, Kaibigan
na alam kong
sa aking pagtingala
sa bughaw na langit man
o sa karagatan ng mga tala
ay siya mo namang pagyuko sa akin
at pagngiting bigla

oo, Kaibigan
sa akin, ngayon,
iyon ay sapat na.

________
4:52 ng hapon
Set. 27, 2015
Sa harap ng iyong puntod