There, there.

“Ano ba ang ideal guy mo?”

“Luh. Wala. Wala akong ideal guy! Tss.”

“Ha? Pwede ba ‘yon? Lahat kaya ng babae may ideal guy.”

“Hmm? Alin? Yung masarap yakapin? Yung dadalhan ako ng ice cream kapag malungkot ako o kaya kapag nasisiraan ako ng bait? Ah, siguro yung bestfriend type. Yung kaya kong umutot sa harap niya. Tapos siya, kaya niya i-handle ang mood swings ko na tipong ‘pag negative ako, s’ya yung positive. Aaaat, alam niya ang mga paborito kong libro. Tapos siya, may pagmamahal din sa music at art. Tapos sana yung iintindihin niya lang ako lagi. Yung magiging “Ann Gielou” sa akin. Lalo na kapag nakakalimutan ko na maging si “Ann Gielou”. Tapos, yung sa wedding day namin? Benta yung moment na naiiyak kami parehas kapag naglalakad na ako sa altar. Pero, ang pinakagusto ko ay yung parang napapasayaw at natatawa kami while teary-eyed habang papalapit ako nang papalapit sa kanya. Na para bang kumakanta kami sa isip namin ng ~Heto na. Heto na. Heto naaahaaaa.~ at para kaming nagjojog na slowmotion papunta sa isa’t isa habang natatawa. Yung masayang masaya at natural lang. Ganun. Pero ang pinakamahalaga, ang ideal guy ay ang taong marunong mag-stay. Or yung marunong palang bumalik. At mamahalin niya nang sobra-sobra ang mga magiging anak namin.Yun. Yun siguro ang pinakaimportante sa akin.”

“Ah. Wala ka ngang ideal guy.”

“He he”

 

Kailangan Kita, Now Na

Times like this, namimiss ko yung “ako” nung aplikante ako ng org.

Noon, parang kahit anong hassle, anong pressure, at kahit anong gulo, pakiramdam ko kaya ko. Kakayanin ko. Kasi isinaisip ko na magiging worth it din ang lahat sa huli. Kasi feel na feel kong matuto. Para bang everyday is a new day to learn new things. Nandiyan ang pagod at puyat, saya at lungkot, kaba at takot… lahat na. Pero nanatili akong malakas at hindi ako sumuko. Sabog na ako sa klase pero ginagawa ko pa rin lahat. Headbang sa klase pero inaayos ko pa rin naman kahit papaano.

Ngayon, hinahanap-hanap ko siya. Si Ann Gielou na kinakaya ang lahat. Si Ann Gielou na passionate sa mga ginagawa niya. Si Ann Gielou na napapagod pero AJA lang nang AJA. Si Ann Gielou na hindi sumusuko kahit gaano kahassle ang mga nangyayari. Si Ann Gielou na inspired ma-experience ang buhay, lalo na ang buhay kolehiyala. Si Ann Gielou na madalas tatanga-tanga pero hindi pa rin sinusukuan ang sarili niya.

Nasaan siya? Kailangan ko siya ngayon.