7 Things Sir Paunil Taught Me Today

  1. “Hindi motibasyon ang kailangan mo ngayon kung hindi disiplina.
  2. “Alahanin mo si Albert Einstein at ang bisekleta. Hindi mo raw maba-balance ang bike hangga’t hindi ka gumagalaw. Kaya dapat kang magmove forward.”
  3. “Timbangin mo kung ano ang mas mabigat:  yung stress na makukuha mo ‘pag ‘di mo pa binitawan o yung satisfaction na mararamdaman mo kapag di mo binitawan.”
  4. “Kung kinaya ng iba, huwag kang papayag na hindi mo kaya.”
  5. “Reinvent yourself. Mag-aral ka ng isang bagay na bago sa’yo o something na maeenjoy mo. Do something na hindi required.”
  6. “Walang mangyayaring change sa’yo  kung wala kang babaguhin sa sistema mo.”
  7. “退き時”

Si Sir Ferdinand Paunil o kilala rin sa tawag na Sir Ferdy at Sir Paunil ay isang guro sa Enverga University- Candelaria at kasalukuyang nagtuturo ngayon sa Quezon Science Highschool at part-time na nagtuturo sa College sa EU-Candelaria. Tonshingwa ang tawag niya sa akin at minsan ay tinatawag ko naman siyang Papa Smurf. Pero hindi siya maliit. In fact, malaki siya. Pero ako at si Ma’am Beng ang lagi niyang inaasar na malaki. (Ooonaaa hahaha) Si Sir ang isa sa mga pinakamatatalinong tao na kilala ko. At isa rin sa mga pinakamabubuti. Pero hindi halata dahil sobrang bully niya. Graduate siya ng UP Diliman at siya ang unang nakapagturo sa akin ng konsepto ng pagiging Iskolar ng Bayan. Naging malapit ako kay Sir nang maging isa siya sa mga coaches ko sa Acad Team. Sa bawat maling sagot ko, pinapainom niya ako ng tubig hanggang sa mabusog ako at marealize ko na dapat pa akong magbasa at mag-aral nang mas mabuti kung ayaw kong lumobo nang lumobo ang tiyan ko. He taught me a lot about History and General Information. Kaya naman mataas talaga ang tingin ko sa kanya. Pero more than a teacher and a coach, he is a friend. Iyan ang napatunayan ko today.

Thank you, Papa Smurf. Kakayanin ko. Igagapang ko rin ang sablay ko!  🙂

7 Reasons Why S⚽ccer Class is ❤

  1. Kapag nasa field ako, nakakalimutan ko lahat ng problema ko.
  2. Kapag nagagawa ko ang trabaho ko as defender, laging may “Good job, Angie!”o kaya naman “Go Angie!” mula sa teammates ko at mula kay Sir. (Kapag galing sa teammates ko yung cheer, pakiramdam ko I’m trusted. Kapag galing kay Sir, pekeremdem ke em se greyt  enebe sher.)
  3. Ang cute/macho ni Sir. (Ehem. Walang malisya. Nakakakilig lang talaga minsan lalo na pag ngumingiti ang mga mata nya hihi)
  4. Napupush ako sa limit ko dahil may times na feeling ko katapusan ko na at feeling ko bigla na lang akong magcocollapse. But soccer just leaves me stronger at the end of the day. (Di lang halata.)
  5. Hindi ako magaling pero pakiramdam ko, kapag nakikita nila akong ginagawa ko yung makakaya ko, naaappreciate nila ako.
  6. I’ve met new friends. At dahil “friends” slash teammates ko sila,  walang bakas ng paninisi tuwing pumapalpak ako.
  7. May libreng yakap mula kay kuyang varsity noong akala niya matutumba ako dahil nabunggo niya ako. M-Hmmm. Pero putting kalandian aside, natuwa ako sa idea na nakatanggap ako ng isang crucial panda hug from a stranger. Crucial kasi minsan pumapasok ako sa klase na wasak. Sa utak at sa puso. At nakakatuwa ang idea na kahit pakiramdam mo binubugbog ka ng yunibers noong araw na iyon, may tao naman pala na hindi ka hahayaang masaktan.

Salamat, soccer class. Kahit madalas pakiramdam ko mamamatay ako sa paghabol ng hininga ko dahil sa laro, ikaw ang nagsisilbi ngayong breath-of-fresh-air ko. 🙂