6 Weddings And I’m Still Learning/Yearning

I attended six weddings this year. Four of those happened this December. And by weddings I meant my friends’ weddings. Yup, I got 6 newly-wed friends in just a year, 4 in just a month. And all I can say is how? Hahaha Tsaka guys ano may deadline ba ngayong 2020 tapos di ako nainform? Lol

Every time I watch the bride walking down the aisle, walking towards the groom, I wonder what goes to their minds. I mean, okay, ang dami na kayang pelikula ang nagawa out of this narrative, I know. The always-the-bridesmaid-never-the-bride hanash? Yeah right. Pero ako personally, lagi lang ako napapaisip kung paano sila dumadating sa ganoong desisyon. Na sure na sila. That one day, they just realized that they wanna wake up with this person everyday? Na tanggap na nila ang, ika nga ni Sir Ricky Lee, “hilaga, silangan, kanluran, at timog” ng pagkatao ng isa’t isa? Pwede ba talaga ‘yon?

Well, mukhang anim na kasal na ang sumasagot sa tanong ko. Oo raw. Nangyayari raw ‘yon. At itong pinakahuli kong inattendan siguro ang may pinakamalakas na sagot. Mahaba ang backstory. Pero ang point, hindi ko malimutan ang sinabi ni bride. (NV)

“I’m marrying you not because I need to. I’m marrying you because I love you… Wala akong masabing ibang rason because the reason is you. Mahal na mahal lang talaga kita.”

And then it hit me. Shet. Yun nga ata. The way she said I love you. Idk if OA lang ako pero I think it was really different. She said it like it’s the most simple yet the most complicated thing to explain in this world. Na ang hirap bigyan ng definite reason pero at the same time ganun lang din kasimple ang meaning. Mahal n’ya lang talaga. Mahal n’ya. Yun na yun.

I got the chance to talk to the bride nung party na. Yung groom yung high school friend ko that’s why noon ko lang din nakausap nang ganoong level si bride. With the courage induced by 3 bottles of beer and some wine, I asked her, “Hey, Paano ba? Haha Paano mo nalaman?” And she replied, (NV, SORRY NA MEJ NAKAINOM NGA SO DI KO MAALALA EXACT WORDS HAHA) “Di ko rin alam eh. Hahaha Basta, malaking factor yung, one time, during our biggest fight, when he begged na huwag ko s’yang iwan, when he asked me to stay, I saw in his eyes na ayaw n’ya na talaga akong mawala. And in that moment, when I looked into his eyes, I knew rin na ayaw ko na s’yang mawala. Na, ay, ito na.”

I don’t wanna sound like the usual me whenever I watch a romcom film. Na, ~awieee, sobrang love is real and sarap mainlove and shits.~ Nah. This one is more of, idk, a taste of reality, actually. Kasi iba kapag narinig mo yun from people na alam mong iba rin yung naging struggles ng relationship. Di ako ganun kaupdated sa love story nila but I knew na hindi naging smooth yung 6 years nila of being together. But there they were that night, na para bang buhay na buhay sila knowing na official na silang mag-asawa. Na para bang kaya na nila ulit harapin ang mundo kahit gaano pa ito kafucked up. Kasi, tangina, magkasama na sila eh. Partner sila eh. Di na sila mag-isa at mag-iisa. Anong di nila kakayanin?

Ganun. Parang ganung uri ng superpower. Nakatago ba yun sa ring? Char.

Bago kami umuwi, niyakap ako ni groom (my friend/brother) and he told me, “Angge, ito rin yung wish ko para sa’yo. Na mahanap mo rin ito.”

Salamat, brother. Masayang masaya ako para sa iyo/inyo.

At kung sakali mang mahanap ko nga ito, sana kasing tapang mo/nyo na rin ako.

2 Replies to “6 Weddings And I’m Still Learning/Yearning”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s