Finally, nakauwi na ako sa Elbi. Wala na talaga ito sa plano because of financial constraints. Pero last Monday night, noong nafeel ko bigla yung bigat ng lahat lahat ng nasa loob ko, walang budget budget, nagdecide akong umuwi rito.
Ang plano, one night lang. Pero nagawaan ng paraan. It’s my second night here. (Thank you so much Apt 3 babies!) At so far? ANG SAYA. SYET.
Foodtrip. Chika marathon. Laughtrip. Yakap. Handshake. Volleyball. Videoke. Inom nang pavery light. Kape. Yakap. Late night to madaling-araw kwentuhan. At yakap ulit.
Sobra ko itong namiss eh. Itong buhay na ito. Itong lugar na ito. Sobra kong namiss itong mga taong ito. Sobra kong namiss ang feeling na ito with them.
At kanina, habang nagkakape, umupo ako sa may pinto ng apartment 3 kung saan dati rin akong umuupo pag nagkakape at nagmumuni-muni. Humigop ako ng kape, tumingin sa “hallway” ng Ilag’s, napatingin sa mga karatig na apartments. Tumingala sa langit at nakitang nandun pa rin yung bituing lagi kong tinitingnan noon mula sa apartment. Higop ulit ng kape. Naiiyak na ako.
Nagflashback lahat. Moments. People. Feelings.
Dati, nakaupo ako roon, umiiyak dahil nakagat ako ng aso. O kaya dahil nangangambang walang mapapasali sa org. O kaya dahil sa acads. O dahil mismo sa thesis na di matapos. O dahil sa problema sa pamilya. O di kaya naman ay dahil sa kaibigan.
At ngayon, muli akong nakaupo roon, umiiyak pa rin. Sa ibang dahilan na.
Tinabihan ako ni Chelsie. Di ko kinaya, nagpaalam na ako na iiyak na talaga ako sa tabi nya. And she let me. Then she hugged me.
At wala akong nasabi kundi “Oh my gaaahd. Ang bilis. Ang daming nangyari. My gaaahd.” Punas luha, tawa, iyak pa, tawa, punas luha.
No regrets naman din talaga.
Pero shet.
What would I give to be that girl (panda) again? To be here again? To be “okay” again?
Ay, sana pumunta rin ako. Hahaha! At ano naman itong to be ‘okay’ again?
Hehehehe. Wala lang. Lol Under maintenance lang talaga ako lately. Pero it’s getting brighter and lighter naman na. Hihi Sabihan kita minsan pag pauwi akong elbi para kita tayoooo!