Muli Kang Magsulat

Dahil minsan masaya, minsan malungkot

Dahil minsan kinakaya naman, Β pero minsan sadyang mabigat

Dahil may mga bagay na mukhang sigurado ka na

Pero dahil meron ding mga bagay na litong-lito ka pa

Dahil may mga alaalang sadyang masarap ipreserba

Dahil may mga bangungot na sadyang bumabalik pa

Dahil may hindi ka pa rin mahanap

At dahil may mga bagay na sa tingin mo’y natagpuan mo na rin pala

Dahil minsa’y sadyang mauubusan ka ng kausap

At dahil madalas may kwento kang di na makapag-aantay

Dahil din marahil sa tawag ng iyong utak

Dahil din siguro sa sigaw ng iyong puso

Dahil hindi mo makayang baliwalain lahat

Dahil hindi mo matitiis na kahit man lang sa sarili mo ika’y maging tapat

Dahil napagtanto mong mas masaya kung maniniwala ka sa sarili mong istorya

O baka dahil nagpapasalamat ka lang

Dahil kahit bangag at sabaw ka, heto’t humihinga ka

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s