Ekstra

Minsan, kailangan mong tanggapin na ganoon lang talaga ang role mo sa buhay nila. At dahil hindi sila kung sino-sino lang, gagawin mo ang makakaya mo para manatili sa role na ‘yon. Mag-e-exist ka kapag kailangan ka nila. Kapag naman ‘di ka nila masyado kailangan o kaya naman kapag hindi talaga ikaw ang kailangan nila at the moment, mag-e-exist ka pa rin pero kailangan mong matutong mag-exist nang tahimik o minsan nang malayo. Tapos kapag naramdaman na naman nila ‘yung need nila para sa isang taong gaganap sa role mo, doon ka papasok ulit sa eksena na para bang hindi ka nasaktan noong nabaliwala ka nila. Kasi naiintindihan mo. O pipilitin mong intindihin. O kahit ‘di mo naiintindihan, gagawin mo pa rin. Kasi nga, ‘yun ka sa buhay nila. At dahil siguro nasanay ka na, pakiramdam mo ‘yun na lang din ang kaya mong gawin – sumulpot kapag kailangan ka nila at matuto namang mag-isa kapag humupa na ang saya o  bagyo nila. Kaya naman sa isang banda, naisip mo na hindi ka na maghahanap ng tao sa buhay mo na gaganap sa role na kagaya ng sa’yo. Kasi alam mo ang pakiramdam – masakit na masaya. Masakit dahil nakahon ka sa isang role. Pero masaya dahil alam mong mayroon kang role sa buhay nila na para bang minsan, may bumubulong sa’yo na, “Iyan. ‘Yan ang purpose mo. Galingan mo d’yan para may tama kang magawa kahit papaano.” Kung minsan nga eh gusto mong magtanong o kaya humingi ng kapalit. Pero hindi mo iyon gagawin dahil alam mong sa huli, ginagawa mo lang naman ang lahat ng ito dahil mahalaga sila sa’yo. Masuklian man o hindi, ginusto mo naman kaya hindi mo kailangang umasa kung may babalik o wala. Minsan, dinadalaw ka lang din talaga ng sarili mong bagyo. Kaya maiintindihan ko kung minsan, napapagod ka sa role mo. Maiintidihan ko kung minsan, maghahangad ka ng iba o mas malaki namang role. At maiintindihan ko kung minsan, gusto mo na lang bitawan ‘yung role. Maiintindihan ko kung isang araw gusto mo nalang kalimutan ang mga linya at kilos ng role mo. Pero maiintindihan ko rin kung dadating ka sa punto na pipiliin mo na ulit gampanan ‘yung role. Kasi baka doon ka nagiging magaling. Baka doon ka nakakahanap ng meaning. O baka naman dahil hindi mo lang namalayan pero ikaw na pala ‘yung role. 

Hanggang sa pagsigaw ni Direk ng “CUT!” na sana may kasamang “Good take!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s