#FrustrationHypothesis

Kung nakakayaman lang ang hindi pagmeet sa sariling plano ng deadline ng mga tasks, siguro yamings na ako, yung Bill Gates level.

Kasi naman. Tatlong araw ko na pinagninilayan ang gawaing ito. Aba eh hindi pa rin tapos. Oo, nasasamahan ng biglaang pagkahimatay sa kutson, chika marathon, pag-i-Internet, pagkain… Pero kinailangan ko rin naman ‘yung mga ‘yun to keep me going.

Pero hindi lang naman itong thesis ang issue. Ganito rin ako sa iba ko pang gawain. Lagi na lang may delay. Bihira ako makameet ng deadline na ako na nga mismo ang nag-set.

Wala lang. Nakakafrustrate lang.

Ginagawa mo naman yung pagpaplano at pag-set ng goals, pero pag nand’yan na, hala. Sira-sira din ang plano sa huli.

Nakakafrustrate.

At tsaka frustrating.

At syempre pa, NAKAKAFRUSTRATE.

OO TAKTE FRUSTRATED NA FRUSTRATED NA AKO SA PAGIGING PALPAK KO.

PERO…

Hindi ako susuko. Hindi ko susukuan ang sarili ko.

Hindi lang dahil naituro sa amin sa PSY 140 na kapag tumataas na ang level of frustration, papalapit ka na sa reinforcement.

Pero dahil alam ko na more than frustration, more than inescapability, and more than pressure… Ang reason ko for doing this is LOVE. Love for my family, love for the beneficiaries (sana) of my thesis — the orphans, love for the people who believe in me, love for a friend and my promise to him, love for the nation, love for my passion, and love for all the people and things I care about.

Kaya oo, Angge, huwag kang susuko kahit tanga ka at napapadalas ang pagiging lost mo. Kasi  you have the best reason to keep on believing in yourself and to do the best you can.

Just keep in mind na kakambal ng LOVE ang RESPECT. Kaya kung totoong ginagawa mo ito para sa mga mahal mo, dapat nirerespeto mo ito.

And if you respect it, dapat sincere ka.

At pwede mong simulan ang sincerity sa pagdedesisyon na ituloy lang ang ginagawa mo nang buong puso. Kahit medyo nahuhuli ka na. Kahit medyo nasasabaw ka na. Kahit nakakafrustrate na. Kahit na ano pa.

Kasi worth it ‘to sa huli.

Pramis.

Advertisements

2 thoughts on “#FrustrationHypothesis

  1. Di ka tanga Angie. You’re just being human. Ganyan talaga tayo. We all have our own downs but syempre andyan naman ang ups. And yun yung feeling after mong malagpasana ang lahat lahat ng challenges.

    Go for it, Pangie. I know you can do it. I believe in you.

    *blink blink*

    🙂

    • Awwwww. Thank you, Ate Eka. Lalo na for believing in me. Nakakatuwa na kahit pagantoganto lang ako, may naniniwala na kaya ko. X’D Salamat Ateeee! *blink blink* :’)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s