Salamat, Heneral Artikulo Uno

Walang salita ang tutumbas sa pagsaludo ko kay Heneral Luna. Wala.

At Bilib na bilib ako sa utak ng nasa likod ng obra maestrang Heneral Luna Movie. Sila ang nagsimula ng pagbibigay ng katarungan para kay Antonio sa pamamagitan ng paglalathala ng kanyang istorya. Hindi siya ginawang karakter. Ginawa siyang tao.

Dahil dito, nagising ang diwang makabayan ng maraming Pilipino. Kabilang na ako. Lalo na ako at ang pagmamahal ko sa kasaysayan. Na tipong hindi ako makatigil ng pagluha sa sinehan. Hanggang dyip. Hanggang ngayon.

Dahil masakit. Napakasakit makitang magdusa sa huli ang isang taong piniling gawin ang mas kumplikado at mas mahirap dahil sa pagmamahal niya sa bayan. Nadagdagan pa ang kirot dahil ang nagpahirap at lumapastangan pa sa kanya ay kapwa niya mga Pilipino. (Punyeta ka Emilio Aguinaldo) ‘Yun ang masakit. At tanga. Na hanggang ngayon, ay makikita mo pa rin sa lipunan. Kaya triple na ang sakit.

Gayunpaman, napakasaya ko dahil may mga pelikula na na tulad nito. Isang pagkakataon upang bigyan ang mamamayan ng ibang perspektibo pagdating sa kasaysayan. Pagdating sa mga dapat nating kilalaning bayani. Isang epektibong panggising sa pusong palaban at may paninindigan.

Ayaw kong mabaliwala ang lahat.

Kaya, pag-uwi ko ng Quezon, magsisimula ako sa pamamagitan ng pagpaparehistro. Pangako, Heneral Artikulo Uno.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s