21 Things About Vincent Magdangan

1. He loves listening to the songs of The Beatles, Regina Spektor, and He is We. Yes, may taste sya sa music di lang halata.

2. He is a singing idol. Inilaban siya sa Romblon sa isang singing contest at kinanta niya ang kanta ni Erik Santos. Nakalimutan ko yung title but yes, talentado siya.

3. He is a dramatic orator. Kaya niyang patuluin ang luha niya sa isang mata habang binibigkas ang mga salitang “Natatakot ako.” Told you, talentado siya.

4. He is a frustrated astronaut. Gusto nyang tingnan and Earth mula sa outer space habang sinasabing doon siya galing.

5. He loves coffee. Katulad ko, muntik niya nang maging blood type ang Nescafe dahil kape na halos ang dumadaloy sa dugo niya lalo na pag finals week na. Too bad, madalas na siyang magpalpitate sa kape kaya di ko na siya nakakainuman nito.

6. He loves Starry, Starry Night and the song about its painter, Vincent Van Gogh. Feeling nya minsan siya si Vincent. As in si Vincent. Oo, si Vincent.

7. He is a blogger. Follow him on tumblr at spell-it-backwards.tumblr.com. (Free plug for the debutant)

8. He is a great “finder” and “reader”. Siya ang nakakakita lagi ng diary at journal ko at walang pag-aalinlangan nya itong babasahin at irerecite nang paulit-ulit sa harap ng mga kaibigan namin. Saya noh.

9. He eats sundae when he’s sad. Or when I’m sad. Or when we’re both sad. Apir.

10. He hates my famous recipe aka corned-beef-with-catsup. Yeah, he’s abnormal.
11. He can’t stare at something/someone for too long. May sariling buhay ang mga mata niya. Which is cool.

12. He’s totally a bookworm. Kaya niyang magbasa ng tatlong nobela sa loob ng isang linggo.

13. He’s not adventurous and the woooh-bring-me-that-horizon type but he’s definitely not boring. Because he’s a natural storyteller. Isa sya sa mga pinaka-interesting na taong kilala ko, actually. (Libre naman dyan hahaha)

14. He’s OC. To the point na tinagurian siyang “epitome of perfection”. HAHAHA

15. He likes to write. Kung hindi sya Agribis, baka Devcom/ComArts/Journ yan.

16. He’s really deep, sometimes. Buti na lang may F-Park. πŸ˜‰

17. He’s naughty. Ipapaalala niya sayo ang mga bagay na pinagsisihan mong naikwento mo sa kanya. Babala: huwag iiwang bukas ang FB mo dahil paborito niyang mang-tag sa pic ng kung sinuman. #Bubog

18. He’s witty. Nakakuha siya ng mantra sa buhay mula sa larong Space Impact. Weird nya. Kaya siguro nagkakasundo kami.

19. He loves stars, night time, coffee, Neil Gaiman’s The Graveyard Book and Stardust, TFIOS, Bread’s songs, etc. Tulad kami. Kaya feeling ko minsan male version ko siya. Hahaha

20. He stays up late not only for his acads but also for midnight talks. Lalo na pag may kape. At pag may bago kaming librong nabasa o naalala. O di kaya nama’y pag may pelikulang sobrang nakakatawa kahit luma na. #TangingInaFTW HAHAHA
21. He taught me to honor my pain. Pinarealize niya sa akin na may sarisarili tayong bubog. At minsan, ang solusyon ay hindi takasan ang mga ito kundi tanggapin na parte na ito ng pagkatao mo. At walang masama dito.

Mahilig akong magpost ng mala-nobelang birthday greetings sa Instagram. Pero dahil napressure ako sa bati mo noong birthday ko, ito, sa blog ko nilagay para maiba. Hahaha

Happy 21st birthday Kuya Vincent!

Salamat sa mga panahong sinamahan mo ako, sa trust na pinaparamdam mo sa tuwing ikkwento mo ang mga samu’t saring saloobin mo tungkol sa buhay. Sa tiyaga at sinseridad mo sa pakikinig sa mga kwento ko, sa pagiging isang kaibigan na alam kong nakakainitindi sa akin lalo na pag nagiging deep ako. Salamat sa lahat ng bagay na naituro at naipaalala mo sa akin. Salamat sa pagiging instant diary ko sa mga panahong nakakatamad bumangon para kumuha ng papel at ballpen. Salamat sa sabay nating paghalakhak, pagluha, paglalakad at pagtingala sa mga tala.

Cheers sa maraming marami pang kwentuhan, kainan, tawanan, asaran, kapihan, at damayan! Paki-schedule na lang ng pagpunta natin sa Sev’s Cafe. πŸ˜„

image

Maligayang bati sa iyong kaarawan! πŸ˜πŸŽ‚πŸŽ‰

Advertisements

One thought on “21 Things About Vincent Magdangan

  1. Hahaha. Thanks, Anngie. Sana naman sinabi mo sakin na pang-blog pala ‘yung picture, para namin naayos ko nang konti ‘yung buhok ko. Hahaha! Anyways, thank you sa lahat. Alam mo ‘yan. At wag mong masyadong ipagkalat ‘yung sa Romblon at sa oration. Kaka-decline ko lang sa offer ng Star Magic e. Tama nang ikaw lang ang artista (Goin’ Bulilit po every Sunday!). Hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s