Best Valentine’s Day Ever

Nakaka-overwhelm. Nakakaiyak. Nakakakilig. Salamat sa pag-ibig, UPB.

IMG_4997

 

 
 

 

10:00AM Team Building slash Retreat

IMG_4682

Noong una, bahagyang nakakastress dahil ang unti lang namin. Late pa ang karamihan (yeah including me xD) But since sa akin inihabilin ni Kuya Eric yon, kelangan ipakita na epek lang yun at go push lang! Tapos BOOM. It turned out to be one of the most unforgettable moments namin sa UP Banahaw. Cool ng games. Pero ang highlight ay ang last part where ang task ay magsulat sa sticky note ng mga bagay na hindi pa alam ng orgmates mo about you. And yon, naging emotional na ang lahat. Nagka-openan ng mga bagay na hindi karaniwang pinag-uusapan. Mga bagay na dati kinikimkim lang ng bawat isa. Sobrang heartwarming.Kahit ako, hindi ko inexpect na maioopen ko “yun” sa kanila. Dun mo talaga marerealize na lahat kayo, may struggles, my issues.

Kaya naaamaze ako, lalo na pag nagkakasama kami sa GA every Wednesday kasi lahat humahagalpak ng tawa. Di mo lang alam, deep inside, iba ang bigat na kanilang mga dinadala. Nakakatuwa na masasabi namin na kahit papaano, talagang part na kami ng buhay ng isa’t isa dahil naibahagi na namin hindi lang ang aming mga tagumpay at kasiyahan sa buhay kundi ganoon na rin ang aming mga kahinaan. Totoo nga. Hindi ko lang sila orgmates. Hindi ko lang sila mga kaibigan. Pamilya ko sila.


IMG_4853

 

 

IMG_4851

 

 

IMG_4879

 

 

IMG_4896

 

 

5:30PM Thanksgiving Mass

Syempre, bilang Anniv Party din namin ang araw na ito, hindi namin kinalimutang pasalamatan Siya. May saya akong naramdaman sa mere fact na magkakatabi kaming nakikinig, kumakausap, at nagdarasal kay Lord. Ang drama ko ata. Haha Pero totoo. Forever grateful ako kay BRO na nakilala at naging pamilya ko sila.

 

 

9:00PM Surprise, Brods!

IMG_4974

Makukumpleto ba naman ang Valentine’s Day nang walang sweet na gift sa mga mahal mo? Yesss Hahaha

Yup. Hinarana namin ang mga mahal naming brods nang bonggangbongga! Hinarana rin nila kami nung Feb 13. At touched kami syempre. Kaya naman, effort kung effort din kami. Hindi man sila gaano nasurprise, damang-dama naman namin na napasaya namin sila. 🙂 Eh kasi nga di ba…“Who needs a boyfriend when you have brods like them?” 😀

 

IMG_4975

 

 

11:00PM Delibs. Ann Gielou Posedio, Batch 12, Batch ROYGBIV, Nominated for President

Katulad nang inaasahan ko, dala ko pa rin yung feels ng team building hanggang delibs. Ewan. Naiiyak talaga ako nun. Ang dami ko kasing narealize sa Team Building. Not to mention yung pagfflashback sa utak ko ng moment na tinanong ko sa family ko kung anong gagawin o sasabihin ko sa delibs. Sabi nila, naniniwala raw sila na kaya ko.  Parang nabuhayan ako ng loob nang pavery light.

Tapos nung actual delibs na nga, ayun, ang daming pinarealize sa akin ng mga brods and sisses ko.

Wala lang.

Ang sarap pala talaga ng feeling na may nagtitiwala sa kakayahan mo. Ang sarap nung feeling na suportado ka nila hindi lang dahil sa strengths mo pero dahil na rin sa weaknesses mo. Ang sarap ng feeling ng may mga taong naniniwalang KAYA MO at nagpapaalala sayo na WAG KANG MATAKOT MAG-FAIL.

Pressured pa rin ako. May takot at duda pa rin. Pero dahil sa mga words and gestures nila, naramdaman ko na hindi sila yung tipo ng mga taong itatakwil at ikakahiya ako kung pumalpak man ako. Nakaka-overwhelm yung may tiwala sila sa kakayahan mo kahit ikaw ay maraming pagdududa sa sarili mo.

Dahil sa kanila at sa mga pinarealize nila, parang biglang gusto kong maging malakas. Matapang. Maniwalang KAYA KO.

At special thanks din talaga kay Ate Sandy. Hindi namin masyado kilala ang isa’t isa dahil hindi naman kami nag-abot sa UPB pero nung kinausap nya ako, damang-dama ko ang sincerity nya nung sinabi nya na tingin nya kaya ko naman daw. She reminded me to drop the fear because it will limit my potentials. Sabi nya lahat naman daw may takot. Mahirap naman daw talaga. Sino bang nadalian? Nandiyan ang thesis and all. Pero, yun nga yung magpapa “sweet” sa success, di ba? Yung fact na mahirap pero tinanggap mo ang hamon at nag-excel ka. Sabi raw pati kasi ng boss nya, yung mga sinasaulo sa school? Wala naman talaga yun kapag nasa “real world” ka na. It’s more about your leadership skills, practice of camaraderie, at kung paano mo ihhandle yung sarili mo when the going gets tough.

Pinaalala nya pati na hindi naman kailangang successful lahat ng mangyayari para masabing isa kang magaling na leader o isa kang may kwentang tao. May failures talaga. Kaya go lang daw. Kaya yan. At pag dumating na talaga sa point na hindi na kaya at andyan na ang failures, surrender it to God and everything will be alright. :’)

I know it’s not going to be easy. But I also know that it’s not impossible.

Tamang tiwala lang talaga siguro ang labanan.  Sa kanila. Sa sarili ko. At sa Kanya. 🙂

 

 

IMG_5013

Ang UP Banahaw ang kumumpleto ng “Araw ng mga Puso” ko. Ang mga pangyayaring ito ang bumuo ng araw ko. At marahil ito rin ang mga bagay na babalik-balikan ko sa utak ko kapag isang araw eh makaramdam ako ng matinding pagod at bahagya kong makalimutan kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na kinatakutan ko noon. At marahil ito ang blog post na babalikbalikan ko kapag kinakain na naman ako ng takot at hindi ko na naman maramdaman ang mga mabubuting bagay na mayroon naman pala ako.  ###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s