deeper. messier. weirder.

Naaalala ko pa noon. Third Year. Drama Fest. Nanalo ang isinulat kong istorya– “Class Card”. Ang komedya sa likod ng istorya ng droga. Istorya na kung hindi ka magre-read between the lines, sasabihin mong walang kwenta. Sobrang saya. Hindi lang dahil hakot-awards ang section namin (di man sa pagyayabang) pero dahil lahat kami nag-enjoy. And by “nag-enjoy”, I mean NAG-ENJOOOYYYY! XD Sa katunayan, isa ito sa mga maituturing kong life-defining-moments ng high school life ko. Pakiramdam ko noon, kahit sobrang dami kong katangahan at high school blues, mayroon na akong maituturing na tama kong nagawa sa buhay ko sa loob ng unibersidad.

Hindi ko alam kung dito nga ba yun nagsimula. Dun ba yun sa gabing hindi ako makatulog hangga’t hindi ko naiisip yung kasunod na mangyayari sa kwento? Dun ba yun sa moment na tuwang-tuwa yung mga kaklase ko sa naisip ko nung sinabi ko sa kanila yung ideya ko? Dun ba yun sa isang gabing iniiyakan ko yung script na natapos ko kasi narinig ng kaklase ko nung isang hapon sa faculty room na ang pangit daw ng istorya namin? Dun ba yun sa nagsorry ako sa mga kaklase ko at kinomfort nila ako? Dun ba yun sa moment na ginawa na lang namin ang makakaya namin at nagsaya na lang kami sa entablado? Dun ba yun sa eksena ko bilang si Droga the Explorer at tawang-tawa ang mga tao? Dun ba yun sa panonood ko sa mga kaklase ko sabay tingin ko sa mga nanonood na tuwang-tuwa at nagsisigawan? Dun ba yun sa tinanggap ko yung Best Playwright award? Hindi ko rin alam. At mas hindi ko alam kung bakit nakalimutan/kinalimutan ko ang sarili kong gustung-gusto ang ginawa ko nung third year ako — ang magsulat ng istorya, at medyo… ang teatro.

Ah. Gets ko na. Binitawan ko ang “hilig” na ito kasi… Alam kong hindi dahil napiling Best Story ang isinulat ko, magaling na ako. Alam kong maraming mas magagaling sa akin pagdating sa larangang ito. Tsaka alam ko kasing hindi ako magaling na writer. I suck at it. Pero hindi dahil hindi ako magaling dito at binitawan ko na ito, hindi ko na ito hinahanap-hanap.

At nagsimula ko muli itong hanapin nang mapanood ko ang Relaks, It’s Just Pag-ibig at nakilala ko (virtually) si Antoinette Jadaone. Bilang bahagyang hasa na sa pang-iistalk, natagpuan ko ang wordpress blog nya. At boom! Instant fan na ako. HAHA

Parang nabuhay ulit yung Ann Gielou na interesado sa pagsusulat, sa pagkkwento, sa paggawa ng istorya, sa pagsusulat ng mga pamatay na linya. Parang nabuhay ulit yung Ann Gielou na naniniwalang kaya niyang baguhin ang mundo. Parang nabuhay ulit yung Ann Gielou na hindi nag-aalinlangan sabihin at ipakita sa mga tao ang kanyang mga naiisip. Parang nabuhay ulit yung Ann Gielou na hindi gaano insecure, walang pakialam kung maraming mas magaling sa kanya. Parang nabuhay ulit yung Ann Gielou na nangangarap makagawa ng isang pelikula, dula, o di kaya naman ay libro.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung magandang bagay ito. Kasi ngayon, nalilito ako. Mahal ko ang kursong kinukuha ko. Pero nung isang gabi, binisita ko ang website ng Ateneo Law School. Kasi parang nagising yung batang Ann Gielou na gustong maging abogado, makapasa sa BAR Exam, maipagawa ng congratulatory tarpaulin na ipoposte sa munisipyo, at maging over-over proud ang pamilya ko lalo na ang Nanay ko. At ngayon naman heto, obsess na obsess na maging writer at tila nakikita ang sarili na kasama sa produksyon ng isang Indie Film.

Juskolord. Paano?

Ewan. Basta ang alam ko, ako lang ang makakasagot nito.

Sa. Takdang. Panahon.

Na. Sana. Malayo. Pa. Sa. Ngayon.

Dahil…

Marami yata talaga akong gustong gawin…

Hindi ko lang alam kung alin ang dapat at KAYA kong tuparin.

###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s